arrggghhhhh..
nakakainis ngayong araw na ito..
bakit ganun, may mga tao sa mundo na sobrang mapag-samantala.. wtf!
nakakainis talaga.
ganito kasi yun.. sumakay ako ng taxi dahil tinanghali na ako...
at ang malas-malas ko pa, parang kakarag-karag yung sinakyan ko.. bad trip talaga..
tapos ung taxi driver, super bagal pang magpatakbo..
mabagal na nga.. traffic pa! hindi ko alam kung talagang binabagalan nya..
tapos nung nagbayad ako, binigyan ko siya ng 100.. e 80 lang ung nasa metro..
so dapat may sukli pa kong 20 kaso bigla ba naman akong sinabihan na, pwede ba daw tip ko na yung 20? WTF! kaya ayun, sa sobrang inis ko, nasabi ko, " Manong, grabe naman kayo! Humihingi pa kayo ng tip.. mabuti sana kung mabilis kayong magpatakbo.. e kaso ang bagal nyong magpatakbo, e".. sabay labas ng taxi... arrrgggghhhh.. kapal ng mukha!
inisip ko na lang, di bale, di ko naman ikakayaman ung 20 pesos na nawala sken..
at dahil dun, nasira araw ko!
ay, bad trip talaga!
No comments:
Post a Comment