Sunday, April 13, 2008

Thank God..

ok, calm down..

katatapos lang ng sunog dito sa street namin.. and i'm still in a state of shock. Tulog kasi ako tapos bigla na lang ako ginising ng pinsan ko na may sunog daw. Buti na lang sa kanto lang ng street namin un, but still katakot pa rin. Lahat ng tao nasa kalsada na, nagkakagulo kasi wala pang bumbero.. WTF! Nawalan ng dial tone ung mga landline dito..

Super disappointed ako sa barangay captain.. ni- anino nya di ko nakita.. wala man lang sila nagawa. hay! At syempre, nag-panic din ako baka kasi kumalat pa ung apoy at makadamay pa ng iba.. Tumawag ako ng bumbero.. pasig ata ung natawagan ako.. nag-text din ako sa tita ko para tulungan kaming magtawag ng bumbero.. at eto pa kinaiinisan ko, may dumating na 1, volunteer ata un.. todo porma pa ung bumbero.. tas pagdating, walang lamang tubig ung tank. WTF! ang daming volunteer na mga taga-dito na ready ng tumulong.. tas ung mismong bumbero.. walang tubig! Buti na lang ung mga tao dito nagtulong-tulong hanggang sa napatay ung apoy. GAWD.. how disappointing! Dumating naman ung iba pang bumbero kaso tapos na..

Cause daw ng sunog is nag-overheat ung aircon.. nalimutan daw patayin, e wala daw tao dun sa bahay na un ngayon.. tsk.. tsk.. buti na lang at walang nasaktan.. at eto pa, ung kwarto na nasusunog, may baril pala dun.. ayun, nagputukan lahat.. e kung may matamaan ng ligaw na bala..

Pagkatapos ng sunog, nakita ko dad ko.. basang - basa. Isa pala siya sa mga tumulong dun sa pagpatay ng sunog.. Hay, at least, ok na lahat ngayon..

Na-aawa din ako dun sa nasunugan pero since mayaman naman sila, kaya naman nilang magpagawa ng bagong bahay.. masakit nga lang sa bulsa, at nawala ung ibang napundar..

Lesson learned: Be super duper extra careful.. esp. this summer.. uso palagi ang sunog..

No comments:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails